Bakit ka Lumisan?
Isinulat ni: Ronald S. Salvador
Pangarap kong marating, ang dulo ng kalangitan.
Sa himpapawid, gusto kong isigaw lahat ng nararamdaman.
Ang ihip ng hangin, na sa aking mukha ay dumadampi.
Unti-Unting pumupunas, sa luha na dulot ng pighati.
Pangarap kong lumisan, ng walang sinumang nakakaalam.
Gusto kong iwanan ang lahat, lahat ng bagay na nagdulot ng sakit sa isipan.
Nais kong maging mapayapa, ang aking pusong pagod ng masaktan.
Sakit at pighating nararamdaman, sana'y mawala na ng lubusan.
Ang isip ko'y bumubulong, ang puso ko'y sumisigaw.
Buong isip ko'y gulong-gulo, di na alam kung nasaan ang kapayapaan.
Nagsimula sa kaligayahan, ngunit nagtapos sa kalungkutan.
Hinagpis na nararamdaman, maari bang matanggal kahit panandalian.
Sinubukan kong tanggapin, katotohanang ayaw paniwalaan.
Bawat panaginip ko'y, sana'y naging totoo nalamang.
Tinuruan ang puso kong, lumimot at makaramdam.
Pero bakit ganon? Hanggang ngayo'y ikaw pa rin ang mahal.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento