Huwebes, Setyembre 1, 2016

''KAIBIGAN''

I'm just your friend. 
Yung taong kinakausap mo kapag may problema ka. 
Yung taong hinihingan mo ng payo kapag nahihirapan ka. 
Yup, kaibigan mo lang ako. 

Hindi ko alam pero iba yung nararamdaman ko.
Kaibigan kita, kaya alam kong mali to.
Hindi ko matanggap kasi maraming magbabago kapag ipinilit ko to.
Pero sadyang malupit lang talaga ang tadhana, kasi magkaibigan lang tayo.

Marami kang nakikita, pero kelan mo kaya ako mapapansin.
Ilang taon nakong umaasa, pero ako lang naman yun.
Mahal kita, kaso tinamaan ng lintik kaibigan mo lang ako.
Mahal kita, kaso alam kong iba ang mahal mo.

Miyerkules, Agosto 17, 2016

BAKIT MAHIRAP MAKALIMOT?


Kasi paulit-ulit mong binabalikan yung masasayang ala-ala niyo na hindi mo dapat ginagawa. Hanggang ngayon umaasa ka pa rin na may second chance kayong dalawa kahit alam mo na wala na naman talaga.

''Tunay na Kaibigan''


Bakit nga ba ganun?
Kapag sila ang may kailangan, ang bilis nilang lumapit sayo. Pero kapag ikaw na yung nanga-ngailangan, wala ka ng malapitan.

Bakit nga ba ganun?
Kapag may problema sila, lagi kang nasa tabi nila para damayan sila. Pero kapag ikaw na ang may problema wala ka manlang malapitan kahit isa?

Bakit nga ba ganun?
Kapag may gusto sila, handa kang magpaubaya para sa pagka-kaibigan niyo,. Pero kapag ikaw na yung may gusto, wala na silang pakialam kung anong mangyari sa pagkakaibigan niyo.

Paano nga ba magkaron ng tunay na kaibigan? Nahahanap ba sila or parang pag ibig lang din na kusang dumarating?Napakahirap mabuhay sa mundong napakarami mong kaibigan na natulungan, pero para ka pa rin nagi-isa. Kapag kailangan mo ng kausap, wala kang malapitan na pwede manlang pagsabihan ng mga nararamdaman mo. Wala kang makasama sa tuwing gusto mong aliwin yung sarili mo. Minsan nga ini-isip ko nalang, masama ba yung mga naging tulong ko sa iba kaya kahit marami akong natulungan eh wala manlang nakakaisip gumanti ng tulong sakin? Siguro masyado lang kasi akong nag eexpect ng kapalit sa bawat bagay na kusang loob ko namang ginawa para sa iba. 



Martes, Agosto 16, 2016



Bakit ka Lumisan?

Isinulat ni: Ronald S. Salvador

Pangarap kong marating, ang dulo ng kalangitan.
Sa himpapawid, gusto kong isigaw lahat ng nararamdaman.
Ang ihip ng hangin, na sa aking mukha ay dumadampi.
Unti-Unting pumupunas, sa luha na dulot ng pighati.

Pangarap kong lumisan, ng walang sinumang nakakaalam.
Gusto kong iwanan ang lahat, lahat ng bagay na nagdulot ng sakit sa isipan.
Nais kong maging mapayapa, ang aking pusong pagod ng masaktan.
Sakit at pighating nararamdaman, sana'y mawala na ng lubusan.

Ang isip ko'y bumubulong, ang puso ko'y sumisigaw.
Buong isip ko'y gulong-gulo, di na alam kung nasaan ang kapayapaan.
Nagsimula sa kaligayahan, ngunit nagtapos sa kalungkutan.
Hinagpis na nararamdaman, maari bang matanggal kahit panandalian.

Sinubukan kong tanggapin, katotohanang ayaw paniwalaan.
Bawat panaginip ko'y, sana'y naging totoo nalamang.
Tinuruan ang puso kong, lumimot at makaramdam.
Pero bakit ganon? Hanggang ngayo'y ikaw pa rin ang mahal.


Paglisan


 Isinulat ni: Ronald S. Salvador
Sumikat na ang araw pero wala ka pa,
Hindi ko alam kung anong nangyari,
Pero sinigurado mo na tayo’y wala na.
Pinilit kong tanggapin, pero puso ko’y di kinaya.
Mahigpit na yakap mo, siyang tanging sinisinta.
Ibinubulong ng isip, at dinadama ng puso.
Pagmamahal na dati’y sakin, pero ngayon ay naglaho.
Parang kahapon lang nung sabihin mo sakin,
Na tanging ako lang ang iyong iibigin.
Bakit nga ba iniwan, umalis ng walang paalam.
Bakit nga ba naglaho, pagmamahal na tila walang hanggan.
Di ko man ninais pero sadyang binitawan.
Pagmamahal mo na noon ay akin, pero ngayon ay lumisan.
HInihiling sa maykapal, sanay muling magtagpo.
Pagmamahalan natin, bakit biglang naglaho?
Puso ko’y sayo, pero bakit iniwan?
Pighati ng nakalipas, sana’y di na balikan.